contact the culprit:
acid42@yahoo.com |
IN
TUNE WITH : JESSA ZARAGOZA
Interview By Lionel Zivan S. Valdellon
published in CHANNELS magazine: : NOV 1999
Jessa Zaragoza is the modern day Jukebox Queen. All across the country,
people from 5 to 55 years old have been delighted by her songs "Bakit
Pa" and "Nang Makapiling Ka". She's definitely come a long
way from practising with a stick as a microphone. Here now, we chat with
her about music, perseverance and bright futures.
What's keeping you busy right now?
Jessa Zaragoza: As usual, yung taping ng "Di Ba't Ikaw" every
Tuesday and Thursday. Actually halos apat na araw na rin ang kinakain
noon kasi mula umaga to the next day. Pag weekends naman, mga out-of-town
shows, solo concerts. Sa Iloilo, Catanduanes, Cebu. Ang sarap ng feeling
kasi doon ko talaga na-prove na may mga followers din ako sa probinsya,
hindi lang dito sa Manila. Mas nakakagana mag-perform lalo na pag yung
audience mo napaka-warm.
Why do you think you've become a "jukebox queen"?
JZ: Most of my songs, yung theme niya ang tipong pang-martyr, yung broken-hearted.
Kaya siguro maraming nakaka-relate. Sa sobrang lakas ng recall, nagiging
bahagi na talaga ng bawat tao. Nire-request kaya napupunta sa mga jukebox,
sa mga videoke. 'Tsaka nakakatawa kasi kahit ang mga songs ko tungkol
sa mga adult na, mga brokenhearted, yung mga bata nagugustuhan talaga
nila. Actually mas marami yata akong mga fans na bata. Tipong three years
old lang nakakanta na yung mga kanta ko. Nakakagulat talaga!
What was the first song na you sang publicly, do you remember?
JZ: Naku, siguro yung "From A Distance." Kasi madalas sinasama
ako dun sa mga amateur contests sa school. Ang talagang nagpapraktis sa
akin yung Mommy ko, tipong may hawak pa siyang stick
Talagang malaking
bagay sa akin yung Mommy ko, para bang yung path na gusto kong puntahan
siya yung nag-clear noon.
Kahit noong bata ka, gusto mong maging singer or actress?
JZ: Singer siguro. Before, gusto ko lang talagang magkaroon ng album.
Gusto ko lang marinig yung boses ko, tapos yung picture ko nasa tape,
napapakinggan sa radyo, iyon lang. Pero yung sa pag-aartista, hindi ko
naisip yun. First love ko talaga yung singing.
___ Yung boses ko before, parang yung kay Chuchi sa Chika Chika Chicks,
yung husky na parang garalgal? Nagtataka yung Mommy ko kung bakit basag-basag
ang tunog. Pinatingin pa niya ako sa doctor. Sabi ng doc, "Hindi,
paglaki niyan magiging husky yung boses."
Who have been your influences sa pagkanta?
JZ: Locally, si Zsa Zsa Padilla. Tapos sa foreign naman, si Toni Braxton.
I remember before, noong mga high school days ko, pag yung boses mo malaki
hindi nila masyadong ma-appreciate. Gusto nila yung mga matining, mga
mataas. Yung mga altos, hindi "in"! Ngayon lang talaga na-a-appreciate
talaga.
What do you think is the secret to your success?
JZ: Sa tagal kong nasa show business ang dami na ring nangyari sa akin.
Hindi rin ako makapaniwala na yung mga bata na-a-appreciate nila ako ngayon,
na hindi naging hindrance yung past ko, that I was once a sexy star tapos
na-hospitalize pa ako, siguro everybody knows naman na nag-suicide attempt
ako.
___ Ngayon, naroon talaga ang feeling ko na kung hindi dahil sa mga taong
ito wala ako sa kinatatayuan ko ngayon. Kung anuman yung blessings na
dumadating sa akin, lahat yun galing sa kanila. Ngayon, yung mga tao,
kahit alam nilang may nangyari sa akin dati, okay lang. Ang importante
yung ngayon, napapasaya ko sila, nagiging bahagi ako ng buhay nila. It's
because of OctoArts EMI at sa OctoArts Films at sa boss kong si Orly Ilacad
kasama
kasi sa packaging ko na, tipong, unti-unti nating burahin kung anuman
yung nangyari before. Gumawa tayo ng bagong Jessa, na singer.
If you had a piece of advice you might give to someone, who might
be going through the same thing you did way back, what would you say?
JZ: Siguro, number one, kailangan magkaroon ka ng faith in God. Believe
in yourself, no matter what. Kung anuman yung pinagdaanan mo, you have
to move on. Masasabi kong napakalaking factor yung may guidance ng magulang,
kumpleto yung pamilya, hindi lang kumpleto pero nararamdaman mo talaga
yung suporta nila. Nadapa man ako noon, nakatayo na ako ngayon. I have
a brighter future now dahil sa kanila. Ano pa ba, basta huwag kang mag-give
in sa self-pity, dahil yun ang nakaka-depress sa tao eh. Always pray,
kailangan lagi kang nagpapasalamat.
BACK TO TOP
|